Narito ang 10 estratehiya upang mabawasan ang pagkakaadik sa paggamit ng telepono. Mag-scroll pababa para sa mas detalyadong paliwanag ng bawat punto at kung paano ito maaaring i-apply sa ating mga anak.
- Maging mabuting halimbawa
- Malinaw na mga inaasahan + pare-parehong mga alituntunin
- Magtakda ng makabuluhang limitasyon sa araw-araw na screen time
- Magtakda ng “curfew” sa telepono kahit 1 oras bago matulog
- Makilahok sa mas maraming aktibidad sa totoong buhay
- I-off ang mga notification ng maraming apps hangga’t maaari
- Magtakda ng regular na oras at lugar kung saan hindi pinapayagan ang paggamit ng telepono
- Bigyang halaga ang tunay na pakikisalamuha
- Unawain ang mga panganib
- Magbigay ng alternatibo
Ang mga salitang tulad ng “pagkakaadik sa telepono” o “screen addiction” ay maaaring tunog OA para sa iba, pero kapag ang isang aktibidad ay sumasakop na sa halos lahat ng oras at naaapektuhan na ang ibang bahagi ng buhay, ito ay masasabing tunay na adiksyon. Isang bagay na siguradong alam na ng mga magulang na paulit-ulit na pinagsasabihan ang anak na itabi na ang telepono at kumain na.
Sa kabutihang palad, maraming paraan upang maiwasan ito, at mapanatili nating ligtas ang ating mga anak habang tinatamasa nila ang mga benepisyong hatid ng teknolohiya.
1. Maging mabuting halimbawa
Kung gusto nating sundin ng mga anak ang mga alituntunin natin tungkol sa paggamit ng telepono, dapat ay makitang ginagawa rin natin ito. Kung tayo mismo ay laging nakatingin sa screen, mahihirapan silang maniwala sa ating sinasabi. Habang binabasa mo ang mga sumusunod na tips, isipin din kung paano mo ito maia-apply sa sarili mo.
2. Malinaw na mga inaasahan + pare-parehong mga alituntunin
Pag-usapan ninyo ng iyong anak kung ano ang katanggap-tanggap na screen time. Makinig din sa kanilang pananaw. Bumuo ng mga malinaw na alituntunin – ano ang puwedeng gawin at ano ang bawal. Kung mahirap sundin ang napakahigpit na rules, gawing mas praktikal – ang mahalaga ay consistent!
3. Magtakda ng limitasyon sa screen time araw-araw
Iba-iba ang sitwasyon ng bawat pamilya, kaya iba-iba rin ang limitasyon. Ang mahalaga ay masigurong may oras ang anak para sa ibang bagay – tulad ng pag-aaral, laro sa labas, sapat na tulog, atbp. Hindi dapat inuuna ang screen time kaysa sa mga ito.
4. Magtakda ng phone curfew bago matulog
Ang paggamit ng screen bago matulog ay napatunayang nakakaapekto sa kalidad ng tulog. Magtakda ng oras (hal. 1 oras bago matulog) kung kailan kailangan nang itabi ang telepono. Makakatulong ito sa pagkakaroon ng mas maayos na tulog at disiplina.
5. Makilahok sa mga aktibidad sa totoong buhay
Hikayatin ang anak na sumali sa sports, art classes, outdoor play, family bonding, o anumang aktibidad na hindi nangangailangan ng screen. Ang mga ito ay makabuluhang karanasan na hindi kayang palitan ng virtual interactions.
6. I-off ang mga notification
Maraming apps – lalo na social media at mobile games – ang gumagamit ng notification para pabalik-balikin tayo sa app. Turuan ang mga anak kung paanong piliin lamang ang notifications na mahalaga. Maganda kung gagawin ninyong magkasama ito – buksan ang settings at i-customize ang notifications.
7. Magtakda ng “no-phone zones” at oras
Halimbawa: walang telepono habang kumakain, o dapat sa labas ng kwarto ang telepono kapag oras ng tulog. Ang mga ganitong simpleng patakaran ay tumutulong sa paghubog ng positibong habits.
8. Bigyang halaga ang tunay na pakikisalamuha
Ang pagiging adik sa telepono ay madalas dahil inuuna natin ito kaysa sa tunay na pakikipag-usap. Turuan ang bata na:huwag sumagot ng tawag o text habang may kausap sa harap niya, huwag gumamit ng screen kapag may nagsasalita sa kanya, unahin ang tunay na buhay kaysa sa screen, palaging.
9. Unawain ang mga panganib
Ang kaalaman sa mga epekto ng labis na screen use ay makakatulong sa self-control. I-explain sa kanila na ang labis na screen time ay maaaring magdulot ng anxiety, stress, kawalan ng tulog, o problema sa pag-aaral.
10. Magbigay ng alternatibo
Ang pinakamabisang paraan para mawala ang masamang habit ay palitan ito ng magandang habit. Obserbahan kung kailan at saan madalas masobrahan sa phone ang anak – at mag-alok ng iba: oras ng pagbabasa, pag-uusap sa kamag-anak, o movie night na sama-sama ninyong pinapanood.
Ang mga tool tulad ng Kidslox ay nakakatulong para i-manage ang access sa phone, pero para talagang mabago ang habits, kailangan ng mas malawak na plano. Subukan ang mga ideya sa taas bilang panimula. At gusto rin naming marinig kung anong strategies ang epektibo para sa inyong pamilya – i-email kami sa support@kidslox.com.